56

Oct 4, 2019 @ 11:32
By

Guiao saludo sa mga OFW sa Dubai

Pinuri ni Yeng Guiao ang mga Pinoy sa Dubai dahil sa hospitalidad ng mga ito.

Walang masabi ang NLEX coach sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga overseas Filipino worker doon, kasama ng kanilang pamilya.

Pangunahing cast ang Road Warriors sa double-header ng PBA Governors Cup na dumayo sa UAE.

Unang haharapin ng 3-0 NLEX ngayong gabi ang 2-0 San Miguel Beer, babalik bukas ng Coca-Cola Arena para banggain naman ang crowd favorite Ginebra (1-1).

Miyerkoles dumating ang PBA delegation maliban sa Ginebra squad na Huwebes bumiyahe. Nakita na agad ni Guiao ang init ng pagtanggap sa kanila.

“Grabe init ng pagtanggap nila sa atin dito, hospitality ng mga kababayan natin dito sa Dubai,” bulalas ni Guiao.

Isa ito sa dahilan kaya ‘di nagsasawang bumalik si Guiao doon. Panlimang pagkakataon na niyang mag-coach ng team sa Dubai.

“Kaya nakaka-engganyong magbalik,” dagdag niya. “Kaya kahit minsan mahirap maglaro ng sunod-sunod, kami lang talaga ‘yung PBA team na kahit sunod-sunod titiisin namin para ma-enjoy lang namin Dubai.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?