17
Yeng-Guiao
By

Guiao pormal nang pinalitan si Reyes bilang Team Pilipinas coach

Sharing is caring!

Matapos magbitiw sa posisyon ni dating PH national team coach Chot Reyes, itinalaga na si interim Gilas coach Yeng Guiao bilang permanenteng tagatimon ng Team Pilipinas.

Hahawakan ni Guiao ang posisyon hanggang sa 2019 FIBA Basketball World Cup, ayon sa statement na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.

“We, at the Samahang Basketbol ng Pilipinas, confirm the appointment of Mr. Joseller “Yeng” Guiao as head coach of the Gilas Pilipinas basketball team,”

“He takes charge in the formation and training of the Gilas Pilipinas basketball team. His main responsibilities will be to lead Gilas to successfully compete against the other national teams during the 2019 FIBA World Cup Qualifying Tournament and to qualify for the 2019 FIBA World Cup.”

“This appointment will be up to the 2019 FIBA World Cup in China,” ayon sa pahayag ni Panlilio.

Si Guiao ay ang humawak sa PH team para sa 2018 Asian Games at sa naging 4th window ng Fiba Basketball World Cup qualifiers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?