53
Guiao pinangalangang head ng PH nat’l basketball program
By

Guiao pinangalangang head ng PH nat’l basketball program

Pormal nang itinalaga ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio si coach Yeng Guiao bilang head ng national basketball program.

Maalalang itinalaga ng SBP si Guiao noong Setyembre bilang head coach ng Gilas Pilipinas na sumabak 2018 Asian Games sa Indonesia.

Pinalitan ni Guiao ang dating Gilas coach na si Chot Reyes.

“We have challenges and it’s about time changes are made, the SBP’s vision is to be recognized in the regional and global levels as a world-class national governing federation for basketball,” pahayag ni Panlilio.

Bilang head ng national basketball program ng SBP, si Guiao din ang mamumuno sa men’s 3×3 basketball kung saan si coach Ronnie Magsanoc ang head coach.

Itinalaga rin ni Panlilio sina Patrick Aquino bilang head ng women’s program, PBA champion mentor Jong Uichico bilang head ng Coaches and Sports Development and Standards, at lawyer Rebo Saguisag bilang head ng Technical Commission program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?