55
Guiao pabitin sa Team PH 12
By

Guiao pabitin sa Team PH 12

Dadalhin lahat ni Team Pilipinas head coach Yeng Guiao ang buong 14 man pool sa Doha, Qatar kahit pa 12 lang ang makapaglalaro para sa huling window.

Aalis na bansa ang buong buong national team sa Sabado, Pebrero 16, tatagpuin na doon ang naturalized center na si Andray Blatche na manggagaling sa China.

Ayon kay Guiao, sadya ang pagkakaroon ng dalawang ekstra na manlalaro para sakaling may mangyari ay madaling humugot ng substitute.
“Kasama lahat yun,” ayon kay Guiao ukol sa makakasama sa biyahe pa-Qatar at Kazakhstan.

“Doon na [ang Final 12]. Mabuti na rin na mayroon kaming mga extra bodies, just in case anything happens, wag naman sana, maku-kumpleto pa rin tayo ng 12,” aniya pa.

Kasama sa mga pagpipilian ni Guiao sina June Mar Fajardo, Poy Erram, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Scottie Thompson, RR Pogoy, Marcio Lassiter, Troy Rosario, Mark Barroca, Paul Lee, Jayson Castro, Raymond Almazan, at Thirdy Ravena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?