41
yeng-guiao4
By

Guiao nasagad sa Team ‘Pinas

Aminado si Team Pilipinas head coach na nahirapan siyang pagsabayin ang pagtitimon para sa national team at mother team na NLEX Road Warriors.

Ngayong 2019 PBA Philippine Cup, sadlak sa 2-5 kartada ang NLEX, dinomina ng defending champions San Miguel, 121-111, noong Biyernes nang gabi.

Posibleng isa sa mga dahilan ang pagsasabay ng kanyang responsibilidad sa PH Nationals na nagsimula noon pang Agosto para sa 2018 Asian Games.

“It’s also been a struggle to be out of the country coaching the national team and spending my focus and time for that purpose,” ayon sa seven-time PBA champion coach. “I think that’s also taking some toll on our team.”

Isa pa sa mga pinoproblema ni Guiao ay ang injury sa kanyang mga manlalaro, si Kevin Alas na maganda ang naging simula ngunit pinabagsak muli ng ACL injury, at veteran shooter na si Larry Fonacier dahil sa strain muscle.

“We’ve not been able to get somebody step up enough to cover. Again, we’re trying to find somebody who can fill up the shoes of the two. So far, we’ve come up short sa aspect na yun,” ani pa.

Susubukang makatungtong ng NLEX sa playoffs, susunod na haharapin ang Alaska Aces, Blackwater Elite, Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?