269

By

Guiao napabilib ni Rivero

Sharing is caring!

HINDI man nasama sina Ricci Rivero at Kobe Paras sa final 12 ng Philippine National team na isasabak sa Asian Games, nakuha naman niya ang pansin ng metikulosong coach na si Yeng Guiao.

Sina Rivero at Paras ang dalawang galing sa Gilas cadet na isinama ni Guiao sa 14-man pool, pero sa final 12 ay nawala ang dalawa pati na si Don Trollano ng TNT.

Sa kaso ni Trollano, inilaan ang slot niya para kay Fil-Am guard Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers.

Sina Rivero at Trollano ang sinasabing pinagpilian sa 12th spot.

“Ricci and Kobe, we know they’re very young, we know their potentials are really high, and I’ve been impressed,” pahayag ni Guiao. “Sayang si Kobe isang practice lang.”

Sa dalawa, kay Rivero mas natuon ang atensiyon ni Guiao. Marami raw pahihirapan ang UP Fighting Maroons cager sa collegiate league.

“Ricci, I’m really impressed. I think he can dominate college basketball with his talent, with his skills,” dagdag ng coach. “He actually almost made it, konting-konti na lang. Kaya lang, sabi ko nga, there has to be a slot for Jordan Clarkson just in case he’s available and were able to comply with all the requirements.”

Hindi pa makakalaro sa UP sa papasok na UAAP season si Rivero dahil kailangan pang kumpletuhin ang one-year residency rule, inimbitahan pa siya ni Guiao na maki-practice sa NLEX.

“I actually invited him to practice with (NLEX) baka mas ma-hone pa ‘yung skills niya. I know he’s not playing this year, but I know he’s practicing and if he wants to practice at a different level, the NLEX practice is open to him,” lahad ni Guiao. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?