153
Guiao ‘nagliyab’ sa Qatar
By

Guiao ‘nagliyab’ sa Qatar

Hanggang sa FIBA World Cup Asian Qualifiers, bitbit ni coach Yeng Guiao ang kanyang trademark na mainit sa sidelines.

Kilala sa PBA si Guiao bilang ‘fiery coach,’ hindi nangingiming sumigaw o magmura kapag naagrabyado ang team at players, o kung sa tingin niya ay may hindi tamang tawag.

Naging suki na ang 59-anyos na bench tactician ng ejections sa mga laro sa loob ng higit dalawang dekadang pagku-coach.

Sa Al-Gharafa Sports Club Multi-Purpose Hall sa Doha nitong Biyernes ng madaling-araw, nakuha ni Guiao ang posibleng una niyang ejection sa international game.

Sa final minute ng 84-46 win ng Team Pilipinas kontra Qatar, natawagan ng magkasunod na technical si Guiao – 25 seconds ang pagitan.

Una nang magreklamo ang coach sa itinawag na unsportsmanlike foul kay Thirdy Ravena nang habulin at blangkahin si Nasser Khalifa Al-Rayes 53 seconds sa orasan.

Walang 30 seconds ang nakaraan ay dumating ang pangalawang T nang muling magreklamo si Guiao dahil hindi nagustuhan ang naging pisikal na laro ng hosts gayong nakakahon na ang panalo ng Filipinos.

Alam na ni Guiao ang kasunod – ejection – kaya naglakad na palabas ng court, nauna ng 28.3 seconds sa dugout bago ang Team Pilipinas.

Tatapusin ng Pilipinas ang sixth at final window bukas sa Astana kontra Kazakhstan.

Angat sa 6-5 ang Filipinos, must-win kontra Kazakhs para magkaroon ng tsansa na humabol sa World Cup sa China bilang best fourth-placed team ng Groups E at F. Kaagawan ng Pilipinas sa slot ang Lebanon at Jordan na.

Kabuhol ng Lebanon ang China sa third-fourth sa Group E sa parehong 6-4, fifth ang Jordan sa 5-5. Pasok na ang China bilang host ng World Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?