128
Guiao may takot sa 3 taga-NorthPort
Nov 25, 2019 @ 14:22
By

Guiao may takot sa 3 taga-NorthPort

Kung may isang pinangingilagan si coach Yeng Guiao sa NorthPort, ‘yun ang tinawag niyang ‘three-headed monster’ ng Batang Pier na sina Michael Qualls, Sean Anthony at Christian Standhardinger.

Katapat ng NLEX ni Guiao ang Batang Pier sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup mamayang alas-4:30 nang hapon sa Big Dome.

Top seed ang Road Warriors tapos ng eliminations, kailangan lang nilang talunin ng isang beses ang No. 8 NorthPort para umabante sa semifinals.

“NorthPort is solid and dangerous. They’re coming in with renewed energy, literally,” ani Guiao. “They feed off the energy of the three-headed monster. They’re peaking at the right time.”

October 14 dumating si Standhardinger sa NorthPort mula San Miguel. Makalipas ang isang linggo, tinapik si Qualls kahalili ni Michal Ammons. Nang bumalik ang ritmo ni Anthony na naupo sa first three games para magrekober mula foot surgery, umangas ang Batang Pier at kahit nawala si rookie Robert Bolick (knee) kaya gumitgit sa playoffs.

NorthPort pa ang pumutol sa five-game winning run ng Road Warriors 102-94 nitong Nov. 13.

“We know we will have a hard time because they already know they can beat us, so we will need all the intensity and preparation ot beat NorthPort,” panapos na sambit ni Guiao. “Of course, even if you have a twice-to-beat advantage, your mentality is you only have one chance.”

Nakaangkla ang atake ng Road Warriors kina Manny Harris at Kiefer Ravena, may Jericho Cruz at Poy Erram pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?