41

By

Guiao luhod, sunud-sunuran sa SBP

Hindi nakikita ni Yeng Guiao ang sarili na magku-coach sa Gilas Pilipinas sa mga susunod na window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers, kahit pa suspendido si national coach Chot Reyes.

Isang larong suspensiyon ang binigay ng FIBA kay Reyes, kasama si assistant coach Jong Uichico (three games) at 10 Gilas players na sangkot sa riot ng laro kontra Australia sa Asian Qualifiers noong July 2.

“Si coach Chot pa rin naman. I think he’s suspended for just one game. If the situation is that way, the most, sa akin, kung one game lang ‘yun, then papalit sa kanya ‘yung assistant coach niya,” paliwanag ni Guiao. “That’s the most logical sa akin. Kung one game lang, babalik ka naman after the one-game suspension.”

Dagdag ng NLEX tactician, kailangan magkaroon ng continuity sa national team, kaya dapat ay ang nakakaalam na ng sistema ni Reyes ang magtutuloy.

Ayaw na ring pakialaman pa ni Guiao ang desisyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na huwag nang magpadala ng team sa Asian Games sa Indonesia ngayong buwan.

Mas makabubuting paghandaan na lang ang susunod na window ng Asian Qualifiers sa September.

“I’m just a loyal soldier na kung iuutos sa akin na, kunyari bukas, ‘Oh, coach Yeng, ikaw ulit magku-coach maghanda ka,’ gagawin ko,” dagdag niya. “Kung sinabi sa akin, ‘Stay ka, diyan ka lang wala kang gagawin,’ d’yan lang ako.”

Kung ano ang desisyon ng SBP ay ‘yun na lang daw ang susundin niya, sakaling magbago ng isip ang pederasyon hinggil sa Asiad stint.

“I just take orders. And if they tell me to go and coach, I will. If they tell me to stay and just focus on the PBA and focus on my mother team, then I’m just taking orders. I don’t make decisions, I just take orders from my bosses,” giit ni Guiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?