31

Jun 16, 2020 @ 14:11
By

Guiao, iba pa sobrang sensitive! Walang mali kay Baldwin – Nikko Ramos

Hypersensitive, fragile, macho ego — ‘yan ang paglalarawan ni Nikko Ramos sa mga pumalag sa naging pahayag ni Ateneo coach Tab Baldwin.

Ayon kay Ramos, na editor ng Slam Magazine, wala naman umanong mali sa sinabi ni Baldwin tungkol sa mga kritisismo nito sa local league na PBA.

“Tab wasn’t wrong, nor was he trying to be insulting. There’s just too many hypersensitive, fragile, macho egos in the game,” ayon kay Ramos.

“I never thought one piece of mild criticism could rile up so many grown men this much,” aniya pa, kung saan ilan sa mga nainis sa pahayag ni Baldwin ay sina San Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua, NLEX tactician Yeng Guiao, at naglabas din ng hinaing ang PBA winningest coach na si Tim Cone na hindi dapat nagsisiraan ang mga kapwa coach.

Matatandaan na sinabi ni Tab na may ‘tactical immaturity’ umano ang mga coach sa PBA, na hindi nagustuhan ng ilang mga nagtitimon sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?