62

By

Guevarra’s buffet sa San Juan, hindi pa rin klaro sa kalinisan

Sharing is caring!

Hindi pa rin pasado sa kalidad ng mga city health official ang mahigit isang linggong pagpapasara sa sikat na buffet restaurant sa San Juan City.

Ito ay matapos na ipasara noong Sept. 4 na nakatakda sanang buksan nitong Martes, Setyembre 11, ngunit kulang pa umano ang mga naisasagawang test at sanitation results ng Chef Laudico Guevarra’s buffet restaurant sa P. Guevarra St., corner Argonne St., Addition Hills, San Juan City.

Ayon kay San Juan City Health Officer Dr. Jesus Esteban Olano, “Marami pang kulang sa resulta ng sanitation at cleanliness test kaya bukas (Miyerkoles) ay nakatakda kami ang mag-meeting muli kasama si Mayor Guia Gomez kung mabubuksan na ang Guevarra’s.”

Dagdag pa ni Olano na dapat sana ay nakatakda nang magbukas ang Guevarra subalit kulang pa ang kanilang mga permit ay posibleng sa Huwebes na ang muling pagbubukas nito o kung mapapayagan ng city hall.

Matatandaang isinailalim sa sanitary inspection ng City Health Office ang Guevarra’s dahil sa umano’y pagkalason at pagkakasakit ng limang magkakapamilya na kumain sa sikat na buffet restaurant sa San Juan City.

Una nang isinabak sa food handling reorientation ang mga staff at crew ng naturang restaurant kasabay nito ang pag-inspeksyon sa facility at drainage na kung saan ay isasailalim sa imbestigasyon kung may e-coli bacteria sa mga gamit nito.

Base sa Temporary Closure Order noong Setyembre 3, 2018 na inisyu ng tanggapan ni Atty. Dominic Garcia, hepe ng Business Permit and Licensing Office ng San Juan, ipinatigil nito ang operasyon ng Guevarra’s, batay sa rekomendasyon ng City Health Department.

Kasabay ang agarang utos ni Mayor Guia ­Gomez na ipasara at magsagawa ng imbestigasyon sa Guevarra’s na pag-aari ng kilalang chef na si Roland Laudico matapos ang post ng isang Karessa Mae Bulay Limpot sa kanyang Facebook account na naospital sila at nagkasakit pa ang kanyang tatay at kapatid matapos silang kumain sa nasabing restaurant noong Agosto 19.

Mayroon pa umanong limang pamilya ang nakipag-ugnayan kay Limpot at nakaranas din ng parehong problema matapos kumain nang araw ding iyon.

Ayon naman sa pahayag ng pamunuan ng Guevarra’s, alam umano nila ang naiulat na naranasan ng ilang indibidwal na kumain sa kanila at patuloy din ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Ayon naman kay San Juan Police chief of police, Col. Dindo Reyes, wala silang natatanggap na reklamo ukol sa aksidente sa Guevarra at sa social media post lamang ito may complaint.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?