100

Oct 1, 2019 @ 11:35
By

Guevarra tinanggap ang petisyon ng Bilibid inmates vs nirebisang IRR ng GCTA

Hindi nasorpresa si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa paghahain ng petisyon ng walong bilanggo ng New Bilibid Prison sa Supreme Court (SC) na kumukwestiyon sa ligalidad at constitutionality ng nirebisang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sa katunayan, sinabi ni Guevarra na matagal niyang hinintay na dumating ang pagkakataon na ito.

“I’ve eagerly awaited the filing of this petition considering that some important provisions of RA 10592 have been interpreted differently by various groups, I have as much interest as anyone in knowing the correct legal interpretation,” ayon kay Guevarra.

Gayong ang Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang kinilalang respondents sa naturang petition, sinabi ni Guevarra na manghihimasok ang Office of the Solicitor General (OSG) para irepresenta ang respondents sa SC.

Gayunpaman, giniit ni Guevarra na wala siyang papel sa magiging desisyon sa petisyon dahil tanging ang SC lamang aniya ang may final word sa isyu.

“It is the OSG who will represent the public respondents and submit the proper comment on their behalf,” aniya.

“Only the Supreme Court has the final word on the issue. And I hope that it will affirm mine,” sabi pa ni Guevarra.

Kamakailan lang ay nilagdaan ng mga kalihim ng DOJ at DILG ang nirebisang IRR ng GCTA.

Hindi sakop ng benepisyo ng GCTA ang recidivists, habitual delinquents, escapees at ang mga convicted dahil sa mga karumaldumal na krimen, gaya ng rape at murder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?