41
peter-lim
Apr 9, 2018 @ 17:02
By

Guevarra, prayoridad ang kaso vs Lim; paglagay sa WPP kay Napoles

Bibigyang prayoridad ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang pag-aaral sa kontrobersiyal na kaso laban sa itinuturong big-time drug lord na si Peter Lim pati na ang pagpapasailalim kay Janet Lim-Napoles sa provisional coverage ng Witness Protection Program (WPP).

Ayon kay Guevarra, bubuo rin siya ng legal team na tutulong sa kanya sa pag-aaral sa nasabing mga kaso.

“I will give top priority to a review of recent DOJ actions on Kerwin Espinosa and Napoles. I will reserve any judgment though till I have thoroughly studied the matter. for now I’m forming a small legal team to assist me, on top of the veteran guys at the DOJ,” saad ni Guevarra.

Gayunman, humirit ng pang-unawa ang bagong kalihim ng DOJ dahil hindi niya maaaring talakayin sa publiko ang nasabing mga kaso dahil nakabinbin pa ang mga ito sa DOJ.

Nais lamang umano niyang maiwasan ang “premature” na mga pahayag sa mga nakabinbing kaso.

Sa Abril 12 ay nakatakdang simulan ng bagong panel of prosecutors ang preliminary investigation sa reklamong inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group laban kina Peter Lim, Peter Co at Kerwin Espinosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?