323
Menardo-Guevarra-
By

Guevarra natuwa sa desisyon ni Soriano

Walang problema para kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang utos ng Makati City Regional Trial Court Branch 148 na magdaos ng pagdinig sa kanilang mosyon na magpalabas ng alias warrant of arrest at hold departure order laban kay Senador Antonio Trillanes IV para sa kasong kudeta.

Ayon kay Guevarra, wala siyang nakikitang problema sa pasya ni Judge Andres Soriano na pag-aralan at busisiin pa nang husto ang kahilingan ng kagawaran.

Katunayan, nagagalak umano sila dahil inaksyunan na ng hukom ang kanilang mosyon.

“We are already very happy that he took cognizance of our motion, heard the parties, admitted the evidence, and issued the appropriate orders, instead of refusing to act at all. That is extremely significant from a legal and jurisdictional standpoint,” saad ni Guevarra.

Matatandaan na ang kahilingan ng DOJ ay nag-ugat sa pagpapawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty ni Trillanes dahil bigo raw itong makasunod sa rekisito na pagsusumite ng aplikasyon at pag-amin sa ibinibintang sa kanyang pagkakasala.

Noong Biyernes, nag-isyu ng kautusan si Judge Soriano para sa pagdaraos ng pagdinig sa mosyon ng DOJ sa October 5.

Kasama umano sa diringgin ng korte ay kung nakapagsumite ba si Trillanes ng aplikasyon para sa amnestiya sa ilalim ng Proclamation Number 75 na inisyu ni Dating Pangulong Benigno Aquino noong 2011 at ikalawa, kung mayroon bang pag-amin si Trillanes sa kanyang pagkakasala nang mga panahon na siya ay nag-aplay at napagkalooban ng amnestiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?