10
guevarra
By

Guevarra, nagtalaga ng OIC deputy commissioner sa BI

Sharing is caring!

Nagtalaga si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ng pansamantalang aakto bilang deputy commissioner ng Bureau of Immigration (BI) kapalit ng nagbitiw na si Atty. Aimee Torrecampo-Neri.

Si Neri ay nagbitiw dalawang linggo na ang nakakaraan dahil sa personal na kadahilanan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, si BI Ports Operation Division chief Marc Red Mariñas muna ang aakto sa posisyon habang wala pang permanenteng napipili ang Malacañang bilang deputy commissioner ng BI.

Patuloy naman aniyang gagampanan ni Mariñas ang kanyang orihinal na tungkulin bilang hepe ng BI-Port Operations Division.

Pansamantalang pupunan ni Mariñas ang isang posisyon sa Board of Commissioners ng BI kasama sina Morente at BI Deputy Commissioner Tobias Javier.

Ang Board of Commissioners ang dumidinig at nagpapasya sa mga kaso ng deportation laban sa mga dayuhang nakagawa ng paglabag sa Immigration Laws ng Pilipinas.

Ang nasabing lupon din ang nag-aapruba sa lahat ng mga aplikasyon para sa immigrant at non-immigrant visa ng mga dayuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?