27

May 28, 2020 @ 12:26
By

Guevarra: Mga Chinese underground clinic suyurin ng NBI, BI

Aatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) para huntingin ang mga underground clinic na ginagawang eksklusibo para sa mga Chinese.

“It seems that clandestine medical clinics catering mostly to foreign nationals have sprouted and have been operating without proper authority,” ayon kay Guevarra.

“Considering that they are not being supervised by the government, it is possible that the health of people who seek treatment in these illegal facilities is being compromised.”

Matatandaan na isang underground clinic ang nakita sa Fontana leisure park sa Clark, Pampanga kung saan ginagamot umano ang mga CHinese na tinamaan ng COVID-19.

Depensa ng Fontana, wala umano silang alam sa nasabing operasyon at nasa ilalim umano ng Shidaikeji Technology Corp ang pangangalaga ng villa kung saan natagpuan ang iligal na ospital para sa mga Chinese.

Samantala, isa pang health facility para rin sa mga Chinese ang nakita sa Parañaque kung saan nasabat ng mga awtoridad ang mga hindi rehistradong gamot para sa COVID-19 at sexually transmitted disease.

Dati nang pinag-utos ni Guevarra sa BI na hanapin ang mga nagpagamot sa illegal health facility sa Pampanga, ngunit bigong mahanap dahil wala umanong record o logbook sa nasabing underground hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?