78

Jan 8, 2020 @ 19:28
By

Guevarra kay De Lima: Bakit hindi ka magpiyansa?

Kinuwestiyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Senadora Leila de Lima kung bakit hindi na lang ito maghain ng motion for bail kaysa panay ang reklamo sa mga court order.

Ani Guevarra, posible aniyang hindi nagpipiyansa si De Lima dahil kumbinsido ito na may malakas na ebidensiya laban sa kanya.

Nahaharap si De Lima sa non-bailable offense dahil umano sa pagtanggap ng drug money mula sa mga high-profile inmate sa New Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng DOJ mula 2010 hanggang 2015.

Sa kabila nito, sinabi ni Guevarra, na kung sa tingin ni De Lima na mahina ang ebidensiya laban sa kanya, maghahain ito ng petition for bail pero hindi nito ginagawa.

“If you think that the evidence of the prosecution is weak, if you are the accused, you would probably consider filing a petition for bail, but she has not done so,” paliwanag ni Guevarra sa interview sa ANC.

“I cannot really fathom, I cannot second guess why Sen. De Lima has not done so. Maybe she believes that the evidence of the prosecution is strong,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?