110

Oct 28, 2018 @ 17:17
By

Guevarra itinalaga ang Usec bilang DOJ spokesman

Inianunsiyo ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang bagong magiging spokesman ng kanyang ahensya.

Magsisimula sa Lunes ang panunungkulan ni Markk Perete, undersecretary ng DOJ, bilang spokesperson ng naturang kagawaran.

Si Perete na ang hahawak sa anumang media relation work ng DOJ, at haharap din sa mga reporter para sa mga panayam.

Ang bagong spokesperson ay graduate ng University of the Philippines law school, na naging Usec noong nakaraang Hulyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?