22

Dec 2, 2021 @ 18:03
By

Guevarra: 30K bakuna inilaan sa PDL

Naglaan ang pamahalaan ng 30,000 bakuna kontra COVID-19 para sa mga preso sa Bureau of Corrections facilities.

Pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, 300,000 na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang makakatanggap ng bakuna laban sa coronavirus.

“These vaccines will be farmed out to the various prison facilities of the BuCor for administration,” ani Guevarra nitong Huwebes.

Matatandaang noong Nobyembre 25, inaprubahan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang kahilingan ni Guevarra na isama sa national vaccination drive ang mga PDL.

Samantala, mahigit 7.6 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang bakuna kontra COVID-19 sa isinagawang Bayanihan Bakunahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?