By

Guess co-founder, nag-resign matapos imbestigahan sa harassment

Sharing is caring!

Nagbitiw bilang executive chairman ang co-founder ng fashion brand na Guess dahil umano sa alegasyon ng pangmomolestiya.

Mananatili pa sa board hanggang 2019 si Paul Marciano.

Ayon sa Guess, hindi nila makumpirma ang alegasyon laban kay Marciano kabilang na ang panghahalik at pagyayapos nito sa mga modelo.

Pero nadiskubre ng Guess ang maling pamamaraan ng pakikipag-ugnayan ni Marciano sa models at photographers na naglagay sa kanya sa sitwasyon para magningas lalo ang alegasyon laban sa kanya.

Kabilang umano rito ang hindi akmang komento, text at panghahalik.

Kasalukuyan na itong iniimbestigahan ng special committee na itinalaga pa rito.

Unang lumutang ang alegasyon kay Marciano noong Pebrero nang mag-tweet ang model na si Kate Upton hinggil sa pagkadismaya nito sa Guess dahil sa pagpapahintulot pa nito sa una na manatiling creative director pa rin ng kumpanya.

Isiniwalat ni Upton na minolestiya siya ni Marciano na pinatunayan ng photographer na si Yu Tsai sa Time mag.

Samantala, nakipagkasundo na umano si Marciano sa lima kataong nag-aakusa sa kanya at magbabayad siya ng kabuuang $500,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?