1
Abante-VisMin-Radar-tayron-guerrero
By

Guerrero pinakamabilis bumato

Sharing is caring!

Nakakailang laro pa lang sa majors si Miami Marlins reliever Tayron Guerrero, pero may nailista na siyang record – pinakamabilis na pitch ngayong 2018 season sa MLB (Major League Baseball).

Bumato ang 27-anyos na rookie ng 101.8 mph (1 mile ay katumbas ng higit 1.5 kilometers) sa eighth inning ng laro kontra Philadelphia Phillies noong Lunes.

Si Pedro Florimon ang nasa plate nang pakawalan ni Guerrero ang 0-2 fastball.

Nasukat ng television radar gun ang pitch na 102 mph, nai-round off sa 101.8 miles per hour. Medyo mataas at nasa loob ang bola, kaya naging 1 ball, 2 strikes ang count.

Sa sumunod na pitch, strike out si Florimon sa mas mabagal na 97.6 mph fastball.

Bago ang 101.8 fastball ni Guerrero, hawak ni St. Louis Cardinals rookie reliever Jordan Hicks ang fastest pitch ng season nang bumato ng 101.6 mph sa kaagahan ng taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?