5

By

Guce, Piccio, Ardina kontender pa

Sharing is caring!

Sumisinghal pa bilang mga title contender ang tatlong Filipina golfer sa US$200,000 2nd Donald Ross Classic sa The Donald Ross Course at French Link sa Indiana, United States.

Iwan lang ng two strokes sina Clariss Guce (136) at Mia Piccio (136) tapos nang mga tiniradang 4-under-par 67 at 3-under-68, ayon sa pagkakasunod, habang apat na palo ang hinahabol ni Dottie Ardina (138) mula sa second round na 66 nito ring Biyernes (Sabado sa Maynila).

Solong nakatrangka si American Stephanie Kono na may 66-134, 1-stroke lead kay German Isi Gabsa patungo sa third and final round ng 54-hole golfest, nagsisilbing 11th sa may 21-leg ng 13th Symetra Tour 2018.

Salo-tersera sina Guce, isang ST 3-year veteran na may dalawa ng titulo sa kanyang 2016 rookie year, at Picco, naghahagilap ng una niyang korona sa ikalimang taong pagkampanya rito, para maging banta pa sa trono.

Nasa 7-way tie naman para sa ika-16 na puwesto si Ardina, na gaya ni Piccio may misyong makopo ang unang kampeonato rito sapul din nang mag-pro noong 2014. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?