117

Oct 25, 2018 @ 11:31
By

Guban kargo ng Senado kahit pinadadampot ni Duterte

Mananatili pa rin si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban kahit pa iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na hulihin ang diumano’y sangkot sa P6.8B shabu smuggling sa Cavite.

Saad sa report ng Inquirer.net, nasa kustodiya pa rin ng Senado si Guban, na na-contempt ni Senador Richard Gordon matapos magsinungaling umano sa hearing ng shabu smuggling.

He is still under custody of the blue ribbon committee. Therefore, we still need to keep him unless a warrant is issued,” saad ni Sotto.

Nilinaw ni Sotto na oras na makapaglabas na ng arrest warrant ang pulisya ay handa nilang i-turn over si Guban sa awtoridad.

“Kapag wala, sa Senate pa rin siya,” dagdag ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?