48

Jan 12, 2022 @ 14:06
By

Guanzon pumalag, hacking sa Comelec fake news umano

Tinawag na fake news ni Commissioner Rowena Guanzon ang lumabas na ulat na naglalahad na na-hack ang ilang mga server ng Commission on Elections (Comelec).

“FAKE NEWS: Comelec server was hacked, not true. Manila Bulletin editor must verify,” saad sa Twitter post ni Guanzon ngayong Miyerkoles.

Sa nasabing ulat, inilahad ng pahayagang Manila Bulletin na napasok ng mga hacker ang ilang server ng Comelec at nakakuha ng mga sensitibong impormasyon.

“How can they hack our servers when we don’t have PINs yet? ITD [Information and Technology Department] Director told me we don’t have PINs yet,” saad pa ni Guanzon.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Comelec spokesperson James Jimenez na maglalabas sila ng kumpletong ulat tungkol sa naiulat na insidente ngayong linggo. (MJD)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?