1,191

Apr 24, 2020 @ 19:30
By

Guanzon: Law student na nagsabing self defense ang pagbaril sa ex-soldier, mga ‘shunga’

Mga “shunga” o tanga at hindi makakapasa sa Bar Exams ang mga law student na naniniwalang self defense ang pagbaril ng pulis sa dating sundalo, ayon kay women rights lawyer at Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Reaksyon ito ni Guanzon matapos ilang aspiring lawyer ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa insidente sa Pasong Putik, Quezon City kung saan isang pulis ang bumaril at nakapatay sa isang ex-Army officer dahil sa umano’y pagtatangka nitong bumunot ng baril.

Sabi ng ilang netizen, binaril lang ni Police Mst. Sgt. Daniel Florendo si dating Army Cpl. Winston Ragos dahil nasa panganib ang buhay ng una.

“Who are those law students saying it was self defense? Mga #Shunga u will not pass the Bar #BawalAngShunga,” tweet ni Guanzon.

Paliwanag ni Guanzon, ang umano’y aktong pagbunot ng baril ni Ragos ay hindi maituturing na “unlawful aggression” dahil hindi nito natutukan ng baril o pinaputukan si Florendo.

Maikokonsidera rin aniyang murder ang unang pagbaril ni Florendo dahil walang baril na nakatutok sa kanya.

“The video will be the best evidence. The deceased did not have a gun and did not point a gun at the policeman. That pulis should have been arrested or in custody immediately after he killed Ragos,” giit ni Guazon.

“First shot was murder, since no unlawful aggression sa part ni Winston Ragos. Wala siyang baril na tinutok kay Daniel Florendo,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?