121

Jun 24, 2022 @ 16:04
By

Guanzon hindi tatantanan si Cardema: Uubusin ko yung pera nya sa gastos niya sa attorney’s fees

Tatadtarin umano ng kaso ni P3PWD partylist Representative-elect Rowena Guanzon si National Youth Commission (NYC) chairperson Ronald Cardema sa susunod na linggo.

Ayon kay Guazon, uubusin nito ang pera ni Cardema sa kababayad ng abogado.

“He threatened me you know he said… in a duel he will…. He used the word head shot, that he will shot me in the head,” sabi ni Guanzon.

Maghahain din umano si Guanzon ng kasong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sa Office of the Ombudsman laban kay Cardema.

Magsasampa rin umano ang congresswoman-elect ng reklamo sa Bacolood dahil sa pagsira ni Cardema sa kanyang dangal at reputasyon.

“Uubusin ko yung pera niya sa gastos niya sa attorney’s fees after all I have a lot of lawyers and well I’m also a practicing lawyer and professor myself. I don’t mind spending money for attorney’s fees, I like paying lawyers,” sabi pa ng dating Commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Guanzon na personal ang galit sa kanya ni Cardema dahil kinuwestyon nito ang kanyang pag-upo bilang kinatawan ng Duterte Youth party-list.

Paliwanag ni Guanzon overage na si Cardema para maging kinatawan ng kabataan sa Kongreso dahil lagpas 40 na ito. Kinatigan din umano ng Comelec en banc ang kanyang argumento.

Pinayagan naman umano ng Comelec ang misis ni Cardema na si Rep. Ducielle Marie Cardema na maupo.

“This wife now is again overage. Eh ubusuin nalang nila pamilya nila ng hindi overage but that’s allowed by law. But come to think of it, is that a genuine organization whose advocacy is anti-communism. Is that marginalized when you say all these people are anti-communist are marginalized. That is a subject matter in fact of cancelation of registration,” dagdag pa ni Guanzon.

Si Guanzon ay nanumpa na sa tungkulin bilang kinatawan ng P3PWD party-list sa paparating na 19th Congress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?