31

Jun 24, 2022 @ 16:37
By

Guanzon hindi magpapakeme-keme sa Kamara: Mga ahensya na di gumagawa ng trabaho punterya

Plano ni P3PWD party-list Representative-elect Rowena Guanzon na sumali sa minority bloc ng Kamara de Representantes upang mas maisulong umano ang kapakanan ng mga taong may kapansanan.

Ayon kay Guanzon, gagawin nitong impiyerno ang kalagayan ng mga ahensya na hindi ibinibigay sa mga persons with disabilities (PWD) kung ano ang nararapat sa kanila sa ilalim ng batas.

“Government agencies now must make sure that they give us what is due us under the law or I will make hell for them in the budget hearings,” sabi ni Guanzon sa isang panayam sa telebisyon ngayong Biyernes.

Dagdag pa ng incoming congresswoman, “I will join the minority just to make sure that the budget of these government agencies… that the persons with disabilities and those with chronic illnesses will get our fair share in the government budget of government agencies especially Health, PAGCOR, DSWD, and PhilHealth, of course.”

Nais umano ni Guanzon na maging miyembro ng House Committees on Appropriations, Health, Social Services at Suffrage and Electoral Reforms.

Sabi pa ng incoming lawmaker, “My objective nga is to usig-usig, fiscalize the government agencies that are holding money that the PWDs must have a share in. E kung majority ako I have to defend the budget of the DOH but of course internally, you can also negotiate that,”

“To quote (US House) Speaker Nancy Pelosi I’m not going to be pa-kems kems there because that’s my personality I have to get things done in three years,” dagdag pa ng dating Comelec commissioner.

Nagsasagawa umano ng konsultasyon ang kanyang grupo upang matukoy ang mga panukala na bibigyan nito ng prayoridad sa 19th Congress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?