78

By

Guanzon bumwelta sa mga politikong pumalag sa Comelec pledge

Inupakan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang mga politikong umalma sa Comelec pledge of candidates dahil sa isang nakapaloob dito ukol sa kababaihan.

Partikular dito ang nakalagay sa integrity pledge na “we shall not tolerate any form of violence against women in politics.”

Ayon kay Guanzon, siya ang gumawa ng nasabing pledge at ipinasa ng Commission En Banc ang pondo para dito.

“Some politicians disagree with Comelec Pledge of candidates “we shall not tolerate any form of violence against women in politics” sino daw gumawa niyan? AKO. Commission En Banc passed the funds for that. Bakit may reklamo kayo?” saad ni Guanzon sa kanyang twitter post.

Nakasaad din sa integrity pledge na nangangako ang mga kandidato na susunod sila sa itinatadhana ng Konstitusyon at itataguyod nila ang maayos, malinis at mapayapang eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?