5

Guam niyanig ng 5.6 magnitude na lindol

Sharing is caring!

Isang magnitude na 5.6 na lindol ang tumama sa US territory ng Guam sa Pacific Ocean kanina, ayon sa US Geological Survey.

Ang lindol, na naunang naiulat na magnitude 6.0, ay tumama alas-10:26 ng umaga, 54 milya ang layo sa southeast ng Guam. May lalim ito na 9.69 milya.

Wala naman naiulat na namatay o nasaktan sa insidente.

Hindi naman nagpalabas ng tsunami alert ang Pacific Tsunami Warning Center sa Guam o sa Northern Marianas Island.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?