159

Oct 27, 2018 @ 15:54
By

GSW umindak sa National Anthem performance ni Fergie

Hataw kung hataw ang Golden State Warriors sa dugout sa saliw ng ‘Star Spangled Banner’ remix na kinanta ng dating Black Eyed Peas member na si Fergie.

Sa lumabas na video, kita sina Kevin Durant, Demarcus Cousins, Draymond Green. Steph Curry at iba pa nilang mga kakampi, na todo-sayaw habang tumutugtog ang National Anthem.

Matatandaan na tinawanan ni Green ang naging pagkanta ni Fergie ng national anthem noong 2018 NBA All-Star Game, at naging dahilan kung bakit nainis ang dating asawa ng singer na si Josh Duhamel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?