907

Jun 11, 2019 @ 12:24
By

GSW nakahinga pa! Curry, Thompson bumuhat sa dulo

Abot kamay na ng Toronto Raptors ang kampeonato, lamang ng anim papasok sa last 2 minutes. Ngunit may ibang plano sina Stephen Curry at Klay Thompson.

Unang bumutas si Thompson ng tres para ilapit ang score, 100-103, sa isang yugto ay naibigay pa ni DeMarcus Cousins ang bola dahil sa offensive foul.

Nang mahawakan ulit ng Golden State Warriors ang bola, nagpakawala ng tres si Curry, tinabla ang laban, 103-all, 1:22 sa game clock.

Ilang segundo ang nakalipas, rumatsada naman ng tres si Thompson, 9-0 run at manakaw ang lamang, 103-106.

Nakaiskor pa si Kyle Lowry para sa Raptors, 105-106, ngunit nang maibalik ang bola sa kanila para sa tsansang maselyuhan na ang championship, nablangka ang tres nito ni Draymond Green.

Napwersa ng GSW ang Game 6, nanguna si Curry na may 31 points, 8 rebounds at 7 assists, may 26 points naman si Thompson.

Nakasalang na muli si Kevin Durant matapos ang isang buwang garahe, gumawa ng 11 points ngunit na-injure muli ang lower calf at di natapos ang laro.

Si Kawhi naman ang namuno sa Raptors, 26 markers, 12 boards at six assists ang nilista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?