189

GSW dynasty tinibag: Lowry, Leonard, Raptors NBA champs!

May bagong kampeon na ang NBA, pinutol ang dalawang taong paghahari ng Golden State Warriors.

Palitan ng iskor sa dulo ng laro, sa last three minutes ay nakalamang ang Raptors ng lima, 106-101, sa bisa ng hook shot ni Serge Ibaka.

Ngunit hindi sumuko ang Warriors, si Demarcus Cousins ang humaribas sa tulong din ng tres ni Draymond Green para makalapit sa one-point disadvantage, 108-109, 46 minuto ang nalalabi sa laban.

Kumaripas naman si Pascal Siakam, inararo ang depensa ni Curry para sa lay-up shot at maitarak ang three-point lead, 26.5 segundo ang nalalabi.

Nailapit ng Warriors ang score, 111-110 sa dalawang free throw ni Curry, may pag-asa pa na manalo matapos ang turnover ni Danny Green.

Sa possession ng GSW, tumira ng tres si Curry ngunit nagmintis, habulan ng bola at nakuha ni Green ang leather na nakapag-timeout, 0.9 segundo na lang ang natitira.

Ngunit wala nang timeout na natira at tinawagan ng technical ang GSW, napasok ni Kawhi Leonard ang free throw at na-foul pa ni Curry.

Natapos ang laban sa 114-110, champion ang Raptors sa kanilang unang Finals stint.

Nanguna si Kyle Lowry, kumamada ng 26 points, 21 sa first half, sahog ang 10 assists at pitong rebounds, si Siakam naman ay sumunngkit ng 26 markers, 10 rebounds habang si Kawhi ay may 22 points at anim na rebounds.

Si Klay Thompson naman, na lumabas sa third quarter dahil sa injury, ay kumuha ng 30 points at limang rebounds, may 22 points, tig-dalawang rebounds at assists naman si Iguodala.

Natapos ang Oracle Arena stint ni Curry sa 21 points at pitong assists. (ray mark patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?