197

By

GSIS, 10 iba pang establisyimento sanhi ng polusyon sa Manila Bay

Sa tuluy-tuloy na paglulunsad ng ‘Battle for Manila Bay’, iba’t ibang establisyamento na rin ang inisyuhan ng reklamo ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) dahil sa diumano’y pagiging sanhi ng polusyon sa Manila Bay.

Apat na establisyamento na naman ang kinasahan ng order nitong Miyerkoles dahil sa diumanong pag dis-charge ng maduming tubig sa Manila Bay na nagbunsod sa pagpapatigil ng operasyon ng 7 negosyo.

Bilang bahagi ng rehabilitasyong ginagawa para sa Manila Bay, nakatanggap din ng notice of violation ang main office ng Government Service Insurance System (GSIS) at anim na iba pang establisyamento dahil sa water pollution.

Kabilang sa mga nakatanggap ng notice of violations mula sa LLDA ang Tramway Bayview Buffet Restaurant, HK Sun Plaza at Billion Building ng Philippine Billion Real Estate Development Corporation, sa kahabaan ng Rozas Boulevard sa Pasay City, at D Circle Hotel sa M.H Del Pilar Street sa Malate, Manila.

Nitong Linggo, nang magsimula ang naturang cleanup drive sa ilang bahagi ng Manila Bay, nagsimula na ring alisan ng water resources at wastewater discharging facilities ng mga otoridad ang Aristocrat Restaurant, Gloria Maris Shark’s Fin, at The Esplanade matapos mapag-alaman na nagtatapon ang mga ito ng maduduming tubig direkta sa Manila bay.

Bukod pa sa GSIS, kabilang din ang Sogo Hotel-Quirino, Makchang Korean Grill Restaurant at 2Blue Realty Corp. sa Malate, maging ang Robinsons Land Corp. sa Ermita Manila sa mga nagdudulot ng dumi sa Manila Bay.

Sa Pasay City naman, ang Peak Motors Philippines Inc. at Cebuana Lhuillier Building ay napag-alamang lumalabag din sa batas pangkalikasan.

Saad ng LLDA nag-isyu na rin umano sila ng notice of violation sa Rizal Park Hotel sa T.M Kalaw Street sa Ermita.

Saad ng general manager ng LLDA na si Jaime Medina, patuloy aniyang mag iinspeksyon ang mga otoridad sa mga establisyamento sa paligid ng Manila Bay at sa mga estuaries na pinagmumulan ng tubig nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?