737

By

Grupong nag-vandal sa Lagusnilad bukas sa pakikipag-usap kay Yorme Isko

Humingi ng paumanhin sa publiko, ngunit tumindig ang grupong Panday Sining sa ginawa nilang “Sahod, itaas! Presyo, ibaba!” na street graffiti sa pader sa Lagusnilad underpass dahil kailangan na umanong pag-usapan ang mga isyu sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“To the public: sorry for the inconvenience, but the matter and issues at hand are urgent. Left and right, ordinary people are being killed or jailed for criticizing this corrupt and fascist government. The space for peaceful and democratic speech is already being compromised by the regime as it pushes to criminalize dissent with its de facto Martial law nationwide in the name of Executive Order No. 70. Repression is rampant amid worsening poverty, joblessness, and hunger brought about by the Duterte regime’s adherence to foreign, big businesses, and land lord interests,” hayag ng progresibong grupo sa Facebook kahapon, Nobyembre 12, 2019.

Nagalit at nagbabala kasi si Manila Mayor Isko Moreno nang makita ang street graffiti sa nasabing underpass na nilinis kahapon ng mga tauhan ng Manila Department of Engineering and Public Works at Department of Public Services.

“Naghahanap kayo ng matinong pamahalaan, naghahanap kayo ng matinong tao sa pamahalaan. I’m not saying I’m one of those. We are really trying to clean up and revive, making Manila… vibrant. We don’t deserve this. The people of Manila don’t deserve this,” anang alkalde.

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin n’yo ‘to ng dila n’yo,” babala pa nito.

Naiintindihan umano ng Panday Sining sentimyento ng publiko, ngunit “high time” na umano para pag-usapan ang mga “lumalalang atake sa ating mga karapatang-pantao.”

“The purpose of our protest art isn’t to spite the citizens of Manila but to sound the alarm of the public against these injustices. The clear enemy is the fascist US-Duterte regime,” wika ng grupo.

Dagdag ng grupo, bukas silang makipag-usap kay Moreno tungkol sa ginawa nilang “protest art.”

“We are very much willing to talk with Mayor Isko Moreno about the matter as he shares the same sentiment about wanting just and lasting peace,” sambit ng Panday Sining.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?