22

Jul 18, 2021 @ 14:42
By

Grupo pumadyak para ipaglaban mga bata

Nagsagawa ng isang bike ride ang grupong Child Rights Network sa Quezon City nitong Linggo bilang paraan ng panawagang protektahan ang karapatan ng mga bata sa bansa.

Pinangalanang “Padyak to #EndVAC: A Bike Ride to End Violence Against Children” ang naturang protesta na nagsimula sa Timog Avenue at nagtapos sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Diliman.

Ang Child Rights Network ay naglalayong maitulak ang karapatan ng mga bata sa mga batas na hinahain sa Kamara.

Sila rin daw ang pinakamalaking alyansa ng mga organisasyon at ahensya sa bansa na nagtutulak na protektahan ang mga bata.

Ayon sa kanila, ang layunin ng bike ride ay mahimok ang mga mambabatas na gumawa ng mga panukalang nagpoprotekta sa karapatan ng mga bata sa gitna ng pandemya, partikular na ang tungkol sa online sexual abuse at child marriage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?