7
abante-tnt-vismin-jiu-jitsu
By

Grupo ni Cojuangco sa jiu-jitsu kinilala ni Vargas

Sharing is caring!

TINAPOS na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pag-aagawan sa liderato ng sports na jiu-jitsu sa bansa matapos kilalanin kamakailan ang grupo na Jiu-Jitsu Federation of the Philippines na pinamumunuan ni Choy Cojuangco bilang opisyal na governing body ng sport sa Pilipinas.

Ito ay matapos magtungo sa Maynila si Jiu-Jitsu Asian Union Secretary General Dr. Jaffer Al Muthafer para sa misyon nitong makipagkita sa pamunuan ng POC at ipahayag ang kanilang suporta sa grupo ni Cojuangco.

“After perusing the documents they (JJAU officials) had in possession and those that we had, he (Muthafer) came to the conclusion that the federation headed by Mr. Ramon ‘Choy’ Cojuangco was indeed the one recognized by the jiujitsu international federation,” sabi ni POC President Ricky Vargas.

Pinamumunuan naman ni Alvin Aguilar ang kabilang grupo na hinahamon ang liderato ni Cojuangco.

Si Aguilar, na kasalukuyang pangulo ng Wrestling Association of the Philippines, ay ipinagmamalaki ang miyembro nito na jiu-jitsu fighters sa bansa at mahigit na 900 miyembro sa organisasyon nito na Deftac.

Nasa kampo naman ni Cojuangco ang mga premyado at multi-titled na sina Margarita Ochoa at Annie Ramirez, sumungkit ng gintong medalya sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Turkmenistan nakaraang taon maliban pa sa iba’t ibang nilahukang torneo sa labas ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?