6

By

Grupo ng UV Express humirit ng dagdag pasahe

Sharing is caring!

Umapela ng dagdag-singil sa pasahe ang mga tsuper at drayber ng isang asosasyon ng UV Express sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Dagdag piso sa kada kilometro ang hiling ng Code-X Transport Service Cooperative na taas-pasahe.

Ikinatuwiran nila ang mataas na presyo ng mga produktong petrolio na lubha na umanong nakaapekto sa Kanilang operasyon.

Nais ng grupo na maaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kanilang petisyon kasunod ng pag-apruba sa dagdag-pasahe sa jeep.

Sa ngayon, nasa P2 kada kilometro ang singil sa UV Express.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?