9

By

Grupo ng sugar worker, pinalilinaw ang imbestigasyon ng DOJ sa Sagay massacre

Sharing is caring!

Humihingi ng paglilinaw ang National Federation of Sugar Workers (NFSW) kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra kaugnay ng utos nito sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang massacre sa Sagay, Negros Occidental noong Oktubre, at sa nangyaring pamamaril kay Atty. Benjamin Ramos.

Nais ng grupo na mabigyang linaw kung layunin ba ng mas malalim na pagsisiyasat na suportahan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang dalawang trahedya ay bahagi ng plano ng mga komunista na patalsikin siya sa pwesto.

Ayon kay John Milton Lozande, secretary general ng NFSW, nabanggit kasi ni Guverra sa media na ang insidente sa Sagay ay maituturing na bansa sa national security.

Nababahala ang NFSW na isama ang kanilang grupo sa proscription list o listahan ng mga miyembro umano ng CPP-NPA na ipinapadeklarang terorista.

Ito ay sa oras umano na pangalanan ng NBI ang NPA bilang responsable sa masaker sa Sagay at sa pagpatay kay Atty. Ramos.

“If that is the case, we suggest that the DOJ secretary just pull out the NBI in Negros Island and just parrot what his tyrannical boss and his military and police officials want the people to believe to be the perpetrators of the Sagay massacre and the killers of Atty. Ben,” saad ng NSFW sa kanilang statement.

Nauna nang nagsumite ng ulat ang NBI kaugnay sa imbestigasyon nito sa Sagay massacre, pero hindi kuntento si Guevarra.

Kaya inatasan nya ang kawanihan na laliman pa ang imbestigasyon nito.

‪“NBI has submitted a progress report. I directed them to investigate more deeply,” saad ni Guevarra.

Matatandaan na niratrat ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang mga myembro ng Negros Federation of Sugar Workers habang nagpapahinga sa mga makeshift tent sa Hacienda Nene gabi ng October 20.

Siyam ang namatay sa insidente kabilang ang dalawang bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?