26

Jun 9, 2021 @ 14:23
By

Grupo ng NPA sa likod ng pagkamatay ng footballer, kinondena ng Makabayan

Kinondena ng Makabayan bloc ang unit ng New People’s Army (NPA) na responsable sa pagpatay sa footballer na si Keith Absalon at Nolven Absalon, isang labor leader.

“We condemn the military action by a unit of the NPA in Masbate City that caused their death and injuries to others for violating international humanitarian law,” sabi ng Makabayan sa isang pahayag.

Nagpaabot din ang Makabayan bloc ng pakikidalamhati sa pamilya at mga kaibigan ng mga pumanaw.

“Our commitment to human rights binds us to condemn any and all acts that harm or kill unarmed civilians, non-combatants, and protected persons in situations of armed conflict,” saad ng Makabayan bloc.

Kinilala rin ng grupo ang pagtanggap ng Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA ng responsibilidad sa pangyayari.

Nanawagan ang grupo sa pamilya ng mga biktima na maghain ng ulat sa Joint Monitoring Committee (JMC) upang maimbestigahan ang pangyayari.

Ang JMC ay itinayo upang tignan ang pagsunod ng CPP-NPA at gobyerno sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

“We look forward to a full and impartial investigation into the incident, and to the CPP-NPA’s response to any complaint to be filed against them with the JMC,” sabi sa kalatas.

Ang Makabayan bloc ay binubuo nina Bayan Muna Representatives Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers Rep. France Castro at Kabataan Rep. Sarah Elago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?