15
ABANTE mass leave teachers guro
By

Grupo ng mga guro nagbanta ng mass leave

Sharing is caring!

Libo-libong mga guro ang magsasagawa ng ‘mass leave’ kapag hindi tumaas ang kanilang mga suweldo.

Ito ang sinabi ni Benjamin Valbuena, chairman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Aniya, pinanghahawakan na ng mahigit 600,000 guro ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan sila ng umento.

Kung hindi tataasan ang suweldo ng mga guro hindi mawawala ang posibilidad na mag aaklas ang libo libong guro.

Una nang halos domoble ang suweldo ng mga nasa uniformed service gaya ng mga pulis at jail officers at ang umento sa kanila ay hanggang 2019. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?