37

By

Grupo ng bagets, lantad ang pagnanakaw sa isang dyip

Sharing is caring!

Pinalibutan ng ilang kabataan ang isang dyip sa Macapagal Ave. hindi para sumakay, kundi para limasin ang mga gamit ng pasahero.

Sa Facebook post ni Victor Padilla Bagatcholon III, makikita na walang habas na hinablot ng magkakahalong babae at lalaki ang gamit ng mga sakay ng isang jeepney sa may bandang pintuan.

Bandang alas-5:50 ng hapon umano nangyari ang insidente, ngunit tila hindi nangamba ang mga bata sa posibleng awtoridad na humuli sa kanila.

May binugbog pa umano na matanda ang tinatayang nasa 12-15 bata sa loob ng dyip.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?