67

Oct 21, 2017 @ 18:48

Grupo kontra abusadong negosyante, binuo

Nagtatag ang samahan ng mga consumer ng isang alyansa para labanan ang mapang-abuso at mapagsamantalang mga negosyante.

Layon ng binuong Alyansa na tinawag nilang SUKI NG BAYAN o Samahan at Ugnayan ng mga konsyumer para as ikauunlad ng Bayan, ito ay upang protektahan ang interes ng publiko at mga mamimili laban sa panlalamang.

Paliwanag ni Grace Chua, miyembro ng grupo, partikular nilang babantayan ang singil sa kuryente, presyo ng mga bilihin at ibang singilin.

Sinabi pa ni Chua, Hindi dapat ipinapataw sa mga konsyumer ng mga kumpanya ang buwis na dapat ay sila ang bumabalikat.

Maliban sa mga bilihin at serbisyo, babantayan din ng grupo ang mga singil sa pasahe ng MRT at LRT maging ang pasahe sa pampublikong sasakyan gaya ng jeepney at bus. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?