23
world-bank
By

Growth forecast ng WB sa PH, mababa sa target ng gobyerno

Inihayag ng World Bank na maliit lang ang ilalago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayon taon hanggang sa 2020.

Sa outlook report ng World Bank, ngayon taon at sa susunod na taon economic growth rate ng bansa ay maaring umabot lang ng 6.7 percent at maaring maging 6.6 percent pa ito sa 2020.

Mababa ito sa 7.8 percent na growth forecast ng administrasyong-Duterte para ngayon taon.

Idinagdag pa ng WB na katulad ng Vietnam magiging matibay pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa P8 trilyon na ibubuhos ng gobyerno sa mga bago at pagasasaayos ng mga imprastraktura.

Paglilinaw naman ng bangko na ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay nakadepende sa gagawing pamumuhunan sa ‘physical and human capital.’

Sinabi naman ni Economic Planning Sec. Ernesto Pernia na maaring naabot pa nila ang target sa unang tatlong buwan ng 2018 kundi lang sa mataas na inflation rate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?