10

By

Groundbreaking sa Bangon Marawi rehab, naudlot na naman

Sharing is caring!

Hindi natuloy sa ikalawang pagkakataon ang groundbreaking para sa rehabilitasyon ng Marawi City matapos mabigo ang Task Force Bangon Marawi Consortium na matugunan ang ilang requirements.

Sinabi ni Bangon Task Force Marawi Chairman Eduardo del Rosario, hindi nakamit ng consortium ang mga pamantayan sa aspetong pinansiyal, teknikal at legal kaya hindi pinayagang simulan ang proyekto.

Dahil dito, sinabi ni del Rosario na muling itinakda sa huling linggo ng Agosto ang groundbreaking para masimulan ang proyekto.

“Bangon Marawi consortium failed on the three aspects of our negotiation on the legal, technical and financial capacity. So we proceeded with the next developer and with the pace that we are ongoing, we are more or less confident that it will be on the third or last week of August,” ani del Rosario.

Pinawi ng opisyal ang mga agam-agam at tiniyak na masusunod ang timeline para matapos ang rehabilitasyon sa December 2021.

“This will not affect basically our target date of completion, which is at the last quarter of 2021. So sabi natin nagakaroon lang ng, hindi natuloy ‘yung groundbreaking within July but I said it will be August. But it will not affect our target date of completion, which is the last quarter of 2021,”dagdag pa ni del Rosario.

June 11 unang itinakda ng task force bangon marawi ang ground breaking subalit hindi ito natuloy at inurong sa ikatlong linggo ng Hulyo.

Sinabi ni Del Rosario na nakikipagnegosasyon na ang task force sa Power China company at inaasahang tatalima ito sa 75-25 kung saan ang 75 dito ay mga local filipino companies at 25 percent ay chinese companies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?