71

Jul 23, 2018 @ 13:24
By

Grospe, Prado papadyak sa cycling fest sa London

Sasabak ang dalawang pambato ng Pilipinas na sina Ismael Grospe at Jermyn Prado sa world’s biggest cycling festival na Prudential Ride London 2018 na sasargo sa July 28-29.

Makakaharap ng national cycling champions ang 100,000 cyclist mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pasok sa kategoryang 46-mile event ang 18-anyos at kasalukuyang national champion sa men’s elite under-23 na si Grospe.

Kakarera naman ang reyna ng women’s elite road race ng Philippine National Road Race na si Prado sa women’s 100-mile event.

Susubok din ang ilang best competitors ng bansa na sina Jeremy Maraña at Aidan Mendoza sa nasabing tournament. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?