18

By

Groom, 12 pang bisita sa kasal dedo sa minibus crash

Sharing is caring!

Nasa 13 ang nasawi habang apat pa ang sugatan na sakay ng minibus patungo sana sa kasalan sa central Vietnam nang sumalpok ang sinasakyan nila sa isang malaking container truck nitong Lunes.

Sakay ng bus ang lalaking ikakasal at mga miyembro ng pamilya nito na papunta na sana sa bahay ng bride sa Binh Dinh province nang maaksidente.

Sampu umano ang agad na nasawi habang ang tatlo, kabilang ang groom, ay binawian ng buhay habang dinadala sa ospital.

Nagtamo naman ng minor injuries ang driver ng trak.

Naglunsad na ng imbestigasyon hinggil sa insidente ang mga awtoridad upang mabatid kung sino ang may pananagutan sa aksidente. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?