176

Nov 28, 2017 @ 15:32

Grizzlies coach sinibak dahil kay Marc Gasol?

Sinibak ng Memphis Grizzlies ang kanilang coach na si David Fizdale matapos lumagapak sa 7-12 win-loss sa NBA season ang team kabilang na ang walong sunod-sunod na pagkatalo nito.

Ipinalit sa kanya pansamantala si associate head coach J.B. Bickerstaff, na mayroong 37-34 bilang interim coach sa Houston Rockets taong 2015-16.

“After a thorough evaluation, I decided a change in course was necessary to move forward and provide the team and organization its best chance at success this season and beyond,” ani general manager Chris Wallace sa isang pahayag.

Ang pagkakatanggal kay Fizdale bilang coach ay bunga umano ng hindi na magandang relasyon nito kay All-Star center Marc Gasol matapos ang

huling pagkatalo ng Grizzlies sa Brooklyn Nets dahil ibinangko nito si Gasol.

Si Gasol ang main player ng Grizzlies pagdating sa puntos, rebound at assist.

Hindi umano gusto ni Gasol ang pagbabangko sa kanya ni Fizdale.

Pinaliwanag naman umano ni Fizdale kay Gasol na diskarte niya ito bilang coach na palaruin ang kanyang reserves players.

Ngunit nasaktan umano sa ganitong estratehiya ang Spanish player ng Grizzlies.

“If I’m not on the floor, I’m not valued,” ani Gasol.

“I’m sure [the coaching staff] knew that would hurt me the most,” hirit pa nito.

Nilinaw naman ng kapatid ni Marc na si Pau Gasol ng San Antonio Spurs, na hindi ang kanyang utol ang dahilan ng pagkakasibak kay Fizdale.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?