44
Abante-TnT-grimes-elon-musk
May 8, 2018 @ 18:03

Grimes at Elon Musk, nagde-date na

Malihim sa kanyang love life si Elon Musk, pero ayon sa Page Six, pasikreto nitong inilalabas ang hip musician na si Grimes na kasama niya sa red carpet sa Met Gala.

Nagkakilala umano ang dalawa online dahil sa joke na planong i-tweet ni Musk pero naunahan siya ni Grimes.

Sa video ni Grimes inilabas ang joke para sa “Flesh Without Blood” na tampok ang karakter na si Rococo Basilisk.

Nang makita ni Musk ang video, nakipag-ugnayan ito kay Grimes sa pamamagitan ng mutual contact, matapos nito ay nag-date na ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?