37

Feb 5, 2018 @ 18:34
By

Griffin markado na sa Pistons

Sa unang pagkakataon sapul noong 2009, maglalaro si Blake Griffin at ang Los Angeles Clippers na nasa magkabilang dulo na ng bench.

Top pick ng Clippers si Griffin noong 2009 draft, pero nitong nakaraang linggo ay pinakawalan at ipinadala sa Detroit.

Sa Feb. 9 (Feb. 10 sa Manila) ay ihu-host ng Pistons ang Clippers, isasagupa si Griffin sa dating team.

Sa unang dalawang sabak, 2-0 si Griffin sa Pistons. Pareho pang biktima ng Detroit ang Miami: 104-102 noong Huwebes, at 111-107 nitong Sabado.

Sa debut game gamit ang no. 23 jersey, nagsumite si Griffin ng 24 points at 10 rebounds. Sa pangalawa ay may produksiyon siyang 16 points, nine rebounds at seven assists.

Work in progress pa ‘ika nga si Griffin sa Pistons, pero kita na ang resulta.

Ngayon ay nagku-collapse na sa kanya ang defense ng kalaban, markado. Kaya tuloy nabibigyan ng magandang tingin sa basket sina Andre Drummond, Stanley Johnson at iba pang outside shooters ng Detroit.

“Playing with Blake is still new to us,” pakli ni Johnson. “We had an hour and a half, and now we’ve had, what, two days now? So it’s still not the greatest stuff in the world, but if we can do that every night, regardless with what we have in, it doesn’t matter.”

Sa huling panalo kontra Heat, sa siyam na naglarong players ng Pistons ay lima pa ang nagsumite ng double figures: tig-13 sina Langston Galloway, Anthony Tolliver at Johnson, 23 kay Drummond na may 20 rebounds pa, at 25 kay Ish Smith na namigay ng 7 feeds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?