26

Mar 10, 2018 @ 11:37
By

Griffin kumayod sa Pistons, itinali ang Bulls

Pinutol ng Detroit ang 4-game losing streak sa pagtali sa Chicago Bulls, 99-83, nitong Biyernes (Sabado, oras sa Pinas).

Umayuda sa Pistons si Blake Griffin ng 25 points, 8 rebounds at 8 assists habang dumagdag si Reggie Bullock ng 21 points, at 17 rebounds naman ang naitulong ni Andre Drummond.

Sa kabila nito, naipatalo na ng Detroit (30-36) ang 10 sa 12 nilang laro para malaglag sa Eastern Conference playoffs.

Sina Cameron Payne at Kris Dunn lang ang nakapagtala ng dobleng pigura para sa Bulls sa pinosteng 17 at 13 points, ayon sa pagkakasunod.

Nakontrol ng Detroit ang laro sa 3rd quarter, na inumpisahan sa 14-5 na ragasa, 63-52.

Ang layup ni Eric Moreland sa pagtunog ng buzzer ang nagbigay sa Pistons ng 73-62 abante tungo sa fourth quarter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?